Sino kami?
Kami ang mga tripulante ng Nordnes. Isang masayang mag-anak na binubuo ng iba’t ibang lahi. Ilan dito ay ang mga Filipino, Olandes, Briton at Norwego.
Ano ang aming ginagawa?
Ay, napakadali! Kami ay naglalagak o nagtatambak ng bato sa ilalim ng karagatan.
|
Bakit namin ito ginagawa?
Ang aming mga panambak na bato ay para sa mga kliyenteng nangangailangan nito para sa mga sumusunod na kadahilanan: mapangalagaan ang mga linya ng tubo ng gas at langis na malayo sa pampang, magtatag ng mga rampa para suportahan ang mga linya ng tubo, mapangalagaan ang mga platform laban sa pagkagasgas, at magtatag ng pundasyon na pagluluklukan ng mga platform. Mayroon kaming sapat na teknolohiya, kaalaman at karanasan upang tugunan ang mga ito.
Saan namin ito ginagawa?
Sa kasalukuyan, ang aming mga proyekto ay nakatuon sa North Sea. |