|
Welcome to MV Nordnes



E-mail:
Last update: Saturday 04 Sep 2010


|
Mabuhay!
Ikinalulugod namin na makasama kayo rito. Sa pamamagitan nito, inyong tuklasin kung sino kami, ano ang aming ginagawa, bakit at para kanino ang mga ito?
Ang Nordnes ay isang self-unloading bulk carrier na naging flexible fall pipe vessel. Fallpipe? Flexible? Alamin dito kung ano ang mga iyan.
|
|
Sino kami?
Kami ang mga tripulante ng Nordnes. Isang masayang mag-anak na binubuo ng iba’t ibang lahi. Ilan dito ay ang mga Filipino, Olandes, Briton at Norwego.
Ano ang aming ginagawa?
Ay, napakadali! Kami ay naglalagak o nagtatambak ng bato sa ilalim ng karagatan.
|
Bakit namin ito ginagawa?
Ang aming mga panambak na bato ay para sa mga kliyenteng nangangailangan nito para sa mga sumusunod na kadahilanan: mapangalagaan ang mga linya ng tubo ng gas at langis na malayo sa pampang, magtatag ng mga rampa para suportahan ang mga linya ng tubo, mapangalagaan ang mga platform laban sa pagkagasgas, at magtatag ng pundasyon na pagluluklukan ng mga platform. Mayroon kaming sapat na teknolohiya, kaalaman at karanasan upang tugunan ang mga ito.
Saan namin ito ginagawa?
Sa kasalukuyan, ang aming mga proyekto ay nakatuon sa North Sea. |
|